1 Pedro 4

Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang matatapat na katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Diyos.

1 Peter 4:10 (UKJV) As every man has received the gift, even so minister the same one to another, as good stewards of the manifold grace of God.

8Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.

9Tanggapin ninyo sa inyong tahanan ang isaʼt isa nang maluwag sa inyong kalooban.

10Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang matatapat na katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Diyos.

11Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Diyos. At ang binigyan ng kaloob upang maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos, upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Makapangyarihan siya at karapat-dapat purihin magpakailanman! Amen.

12Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na nararanasan ninyo, na para bang may kakaibang nangyayari sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.