1 Pedro 4

Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Diyos. At ang binigyan ng kaloob upang maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos, upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Makapangyarihan siya at karapat-dapat purihin magpakailanman! Amen.

1 Peter 4:11 (UKJV) If any man speak, let him speak as the oracles of God; if any man minister, let him do it as of the ability which God gives: that God in all things may be glorified through Jesus Christ, to whom be praise and dominion for ever and ever. Amen.

9Tanggapin ninyo sa inyong tahanan ang isaʼt isa nang maluwag sa inyong kalooban.

10Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang matatapat na katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Diyos.

11Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Diyos. At ang binigyan ng kaloob upang maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos, upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Makapangyarihan siya at karapat-dapat purihin magpakailanman! Amen.

12Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na nararanasan ninyo, na para bang may kakaibang nangyayari sa inyo.

13Sa halip, magalak kayo dahil nakikibahagi kayo sa mga hirap ni Kristo. At magiging lubos ang kagalakan nʼyo kapag naipakita na niya ang kapangyarihan niya sa lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.