1 Pedro 4

Sa halip, magalak kayo dahil nakikibahagi kayo sa mga hirap ni Kristo. At magiging lubos ang kagalakan nʼyo kapag naipakita na niya ang kapangyarihan niya sa lahat.

1 Peter 4:13 (UKJV) But rejoice, inasmuch as all of you are partakers of Christ's sufferings; that, when his glory shall be revealed, all of you may be glad also with exceeding joy.

11Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Diyos. At ang binigyan ng kaloob upang maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos, upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Makapangyarihan siya at karapat-dapat purihin magpakailanman! Amen.

12Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na nararanasan ninyo, na para bang may kakaibang nangyayari sa inyo.

13Sa halip, magalak kayo dahil nakikibahagi kayo sa mga hirap ni Kristo. At magiging lubos ang kagalakan nʼyo kapag naipakita na niya ang kapangyarihan niya sa lahat.

14Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga alagad kayo ni Kristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Diyos.

15Kung pinarusahan man kayo, sanaʼy hindi dahil nakapatay kayo ng tao, o nagnakaw, o nakagawa ng masama, o kayaʼy nakialam sa ginagawa ng iba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.