12Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na nararanasan ninyo, na para bang may kakaibang nangyayari sa inyo.
13Sa halip, magalak kayo dahil nakikibahagi kayo sa mga hirap ni Kristo. At magiging lubos ang kagalakan nʼyo kapag naipakita na niya ang kapangyarihan niya sa lahat.
14Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga alagad kayo ni Kristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Diyos.
15Kung pinarusahan man kayo, sanaʼy hindi dahil nakapatay kayo ng tao, o nagnakaw, o nakagawa ng masama, o kayaʼy nakialam sa ginagawa ng iba.
16Ngunit kung pinarusahan kayo dahil Kristiyano kayo, huwag kayong mahiya; sa halip ay magpasalamat kayo sa Diyos dahil tinatawag kayo sa pangalang ito.