17Dumating na ang panahong magsisimula na ang Diyos sa paghatol sa mga anak niya. At kung itoʼy magsisimula sa atin na mga anak niya, ano pa kaya ang sasapitin ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos?
18Tulad ng sinasabi ng Kasulatan: “Kung ang mga matuwid ay hirap nang makaligtas, ano pa kaya ang mangyayari sa mga makasalanan at hindi kumikilala sa Diyos?”
19Kaya kayong nagtitiis ngayon dahil sa kalooban ng Diyos, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti. Ipagkatiwala ninyo ang sarili ninyo sa Diyos na lumikha sa inyo, dahil hinding-hindi niya kayo pababayaan.