1 Pedro 5

Sa mga pinuno ng iglesya, may nais akong ipakiusap sa inyo bilang kapwa pinuno ng iglesya at saksi sa mga paghihirap ni Kristo, at makikibahagi rin sa kaluwalhatiang ipapakita sa atin sa kanyang muling pagdating.

1 Peter 5:1 (UKJV) The elders which are among you I exhort, who am also an elder, and a witness of the sufferings of Christ, and also a partaker of the glory that shall be revealed:

1Sa mga pinuno ng iglesya, may nais akong ipakiusap sa inyo bilang kapwa pinuno ng iglesya at saksi sa mga paghihirap ni Kristo, at makikibahagi rin sa kaluwalhatiang ipapakita sa atin sa kanyang muling pagdating.

2Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila.

3Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo, kundi maging halimbawa kayo sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.