1 Pedro 5

Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila.

1 Peter 5:2 (UKJV) Feed the flock of God which is among you, taking the oversight thereof, not by constraint, but willingly; not for filthy illegal gain, but of a ready mind;

1Sa mga pinuno ng iglesya, may nais akong ipakiusap sa inyo bilang kapwa pinuno ng iglesya at saksi sa mga paghihirap ni Kristo, at makikibahagi rin sa kaluwalhatiang ipapakita sa atin sa kanyang muling pagdating.

2Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila.

3Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo, kundi maging halimbawa kayo sa kanila.

4At pagdating ni Kristo na siyang Pinunong Pastol, tatanggap kayo ng gantimpalang napakaganda at hindi kukupas kailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.