16Sumagot si Saul, “Sinabi niyang nakita na ang mga asno.” Ngunit hindi niya sinabi sa tiyuhin niya ang sinabi ni Samuel tungkol sa kanyang pagiging hari.
17Tinipon ni Samuel ang mga Israelita sa Mizpa para sabihin sa kanila ang sinabi ng Panginoon.
18Sinabi niya sa kanila, “Ito ang mensahe ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Inilabas ko kayo mula sa Ehipto, iniligtas ko kayo sa mga kamay ng mga Ehipsiyo at sa lahat ng bansang umapi sa inyo.’
19Ngunit kahit iniligtas kayo ng Diyos sa lahat ng kapahamakan at kagipitan, tinalikuran pa rin ninyo siya. At sinabi pa ninyo, ‘Hindi, bigyan nʼyo kami ng haring mamumuno sa amin.’ Kaya ngayon, humarap kayo sa Panginoon ayon sa lahi ninyo at angkan.”
20Pinalapit ni Samuel ang bawat lahi ng Israel at ang lahi ni Benjamin ang napili.