1 Samuel 10

Sumagot si Saul, “Sinabi niyang nakita na ang mga asno.” Ngunit hindi niya sinabi sa tiyuhin niya ang sinabi ni Samuel tungkol sa kanyang pagiging hari.

1 Samuel 10:16 (UKJV) And Saul said unto his uncle, He told us plainly that the asses were found. But of the matter of the kingdom, whereof Samuel spoke, he told him not.

14Nagtanong ang tiyuhin ni Saul sa kanya at sa kanyang utusan, “Saan kayo nanggaling?” Sumagot si Saul, “Hinanap po namin ang mga asno. Nang hindi po namin makita ay pumunta kami kay Samuel.”

15Sinabi ng tiyuhin ni Saul, “Sabihin mo sa akin kung ano ang sinabi ni Samuel sa iyo.”

16Sumagot si Saul, “Sinabi niyang nakita na ang mga asno.” Ngunit hindi niya sinabi sa tiyuhin niya ang sinabi ni Samuel tungkol sa kanyang pagiging hari.

17Tinipon ni Samuel ang mga Israelita sa Mizpa para sabihin sa kanila ang sinabi ng Panginoon.

18Sinabi niya sa kanila, “Ito ang mensahe ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Inilabas ko kayo mula sa Ehipto, iniligtas ko kayo sa mga kamay ng mga Ehipsiyo at sa lahat ng bansang umapi sa inyo.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.