12Sumagot ang isang lalaking tagaroon, “Sino ba ang kanilang ama?” Dito nagsimula ang kasabihang, “Propeta na rin ba si Saul?”
13Pagkatapos magpahayag ng mensahe ng Diyos, pumunta si Saul sa sambahan sa mataas na lugar.
14Nagtanong ang tiyuhin ni Saul sa kanya at sa kanyang utusan, “Saan kayo nanggaling?” Sumagot si Saul, “Hinanap po namin ang mga asno. Nang hindi po namin makita ay pumunta kami kay Samuel.”
15Sinabi ng tiyuhin ni Saul, “Sabihin mo sa akin kung ano ang sinabi ni Samuel sa iyo.”
16Sumagot si Saul, “Sinabi niyang nakita na ang mga asno.” Ngunit hindi niya sinabi sa tiyuhin niya ang sinabi ni Samuel tungkol sa kanyang pagiging hari.