1 Samuel 10

“Mauna ka na sa akin sa Gilgal. Susunod ako para maghain ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan. Ngunit hintayin mo ako sa loob ng pitong araw hanggang sa dumating ako, at pagkatapos ay sasabihin ko sa iyo kung ano ang gagawin mo.”

1 Samuel 10:8 (UKJV) And you shall go down before me to Gilgal; and, behold, I will come down unto you, to offer burnt offerings, and to sacrifice sacrifices of peace offerings: seven days shall you tarry, till I come to you, and show you what you shall do.

6At sasaiyo ang Espiritu ng Panginoon at magpapahayag ka ng mensahe ng Diyos kasama nila, at mababago na ang iyong pagkatao.

7Kapag nangyari na ang mga bagay na ito, gawin mo kung ano ang mabuti dahil kasama mo ang Diyos.

8“Mauna ka na sa akin sa Gilgal. Susunod ako para maghain ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan. Ngunit hintayin mo ako sa loob ng pitong araw hanggang sa dumating ako, at pagkatapos ay sasabihin ko sa iyo kung ano ang gagawin mo.”

9Nang maghiwalay sila ni Samuel, binago ng Diyos ang buhay ni Saul, at ang lahat ng sinabi sa kanya ni Samuel ay nangyari nang araw na iyon.

10Pagdating ni Saul at ng kanyang utusan sa Gibea, sinalubong siya ng isang grupo ng mga propeta. Napuspos siya ng Espiritu ng Diyos at nagpropesiya din siya ng mensahe ng Diyos kasama ng mga propetang iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.