1 Samuel 11

Ngunit sinabi ni Saul, “Walang papatayin ni isa man sa araw na ito, dahil ngayon ay iniligtas ng Panginoon ang Israel.”

1 Samuel 11:13 (UKJV) And Saul said, There shall not a man be put to death this day: in order to day the LORD has wrought salvation in Israel.

11Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay hinati na ni Saul sa tatlong grupo ang kanyang hukbo. Nang mag-umaga na, sinalakay nila ang kampo ng mga Amonita at pinagpapatay ang mga ito hanggang magtanghali. Ang mga natirang buháy ay nagsitakas. Ang mga natirang buháy ay nagsitakas.

12Pagkatapos ng digmaan, sinabi ng mga Israelita kay Samuel, “Sino-sino ang mga nagsasabing hindi natin dapat maging hari si Saul? Dalhin ninyo sila sa amin at papatayin namin sila.”

13Ngunit sinabi ni Saul, “Walang papatayin ni isa man sa araw na ito, dahil ngayon ay iniligtas ng Panginoon ang Israel.”

14Sinabi ni Samuel sa mga tao, “Pupunta tayo sa Gilgal at muli nating ipahayag si Saul bilang hari natin.”

15Kaya pumunta silang lahat sa Gilgal at pinagtibay ang pagiging hari ni Saul sa presensya ng Panginoon. Nag-alay sila roon ng mga handog pangkapayapaan, at nagkaroon sila ng malaking pagdiriwang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.