1 Samuel 11

Pagkatapos ng digmaan, sinabi ng mga Israelita kay Samuel, “Sino-sino ang mga nagsasabing hindi natin dapat maging hari si Saul? Dalhin ninyo sila sa amin at papatayin namin sila.”

1 Samuel 11:12 (UKJV) And the people said unto Samuel, Who is he that said, Shall Saul reign over us? bring the men, that we may put them to death.

10At sinabi nila sa mga Amonita, “Bukas susuko kami sa inyo at gawin ninyo sa amin kung ano ang gusto ninyo.”

11Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay hinati na ni Saul sa tatlong grupo ang kanyang hukbo. Nang mag-umaga na, sinalakay nila ang kampo ng mga Amonita at pinagpapatay ang mga ito hanggang magtanghali. Ang mga natirang buháy ay nagsitakas. Ang mga natirang buháy ay nagsitakas.

12Pagkatapos ng digmaan, sinabi ng mga Israelita kay Samuel, “Sino-sino ang mga nagsasabing hindi natin dapat maging hari si Saul? Dalhin ninyo sila sa amin at papatayin namin sila.”

13Ngunit sinabi ni Saul, “Walang papatayin ni isa man sa araw na ito, dahil ngayon ay iniligtas ng Panginoon ang Israel.”

14Sinabi ni Samuel sa mga tao, “Pupunta tayo sa Gilgal at muli nating ipahayag si Saul bilang hari natin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.