8Tinipon sila ni Saul sa Bezek; 300,000 ang galing sa Israel at 30,000 ang galing sa Juda.
9Sinabi nila sa mga mensahero ng Jabes-gilead, “Sabihin ninyo sa mga kababayan ninyo, bukas ng tanghali ay maliligtas kayo.” Nang sabihin ito ng mga mensahero sa mga kababayan nila, tuwang-tuwa ang lahat.
10At sinabi nila sa mga Amonita, “Bukas susuko kami sa inyo at gawin ninyo sa amin kung ano ang gusto ninyo.”
11Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay hinati na ni Saul sa tatlong grupo ang kanyang hukbo. Nang mag-umaga na, sinalakay nila ang kampo ng mga Amonita at pinagpapatay ang mga ito hanggang magtanghali. Ang mga natirang buháy ay nagsitakas. Ang mga natirang buháy ay nagsitakas.
12Pagkatapos ng digmaan, sinabi ng mga Israelita kay Samuel, “Sino-sino ang mga nagsasabing hindi natin dapat maging hari si Saul? Dalhin ninyo sila sa amin at papatayin namin sila.”