1 Samuel 11

Sinabi nila sa mga mensahero ng Jabes-gilead, “Sabihin ninyo sa mga kababayan ninyo, bukas ng tanghali ay maliligtas kayo.” Nang sabihin ito ng mga mensahero sa mga kababayan nila, tuwang-tuwa ang lahat.

1 Samuel 11:9 (UKJV) And they said unto the messengers that came, Thus shall all of you say unto the men of Jabeshgilead, Tomorrow, by that time the sun be hot, all of you shall have help. And the messengers came and showed it to the men of Jabesh; and they were glad.

7Kumuha siya ng dalawang baka at pinaghihiwa niya ito. Pagkatapos, ibinigay niya ang mga piraso ng karne sa mga mensahero. Inutusan niya ang mga ito na pumunta sa buong lupain ng Israel at sabihin sa mga tao, “Ganito ang mangyayari sa baka ng mga hindi sasáma kina Saul at Samuel sa pakikidigma.” Niloob ng Panginoon na magkaroon ng takot ang mga Israelita kay Saul, kaya sumáma sila sa kanya.

8Tinipon sila ni Saul sa Bezek; 300,000 ang galing sa Israel at 30,000 ang galing sa Juda.

9Sinabi nila sa mga mensahero ng Jabes-gilead, “Sabihin ninyo sa mga kababayan ninyo, bukas ng tanghali ay maliligtas kayo.” Nang sabihin ito ng mga mensahero sa mga kababayan nila, tuwang-tuwa ang lahat.

10At sinabi nila sa mga Amonita, “Bukas susuko kami sa inyo at gawin ninyo sa amin kung ano ang gusto ninyo.”

11Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay hinati na ni Saul sa tatlong grupo ang kanyang hukbo. Nang mag-umaga na, sinalakay nila ang kampo ng mga Amonita at pinagpapatay ang mga ito hanggang magtanghali. Ang mga natirang buháy ay nagsitakas. Ang mga natirang buháy ay nagsitakas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.