12“Ngunit nang salakayin kayo ni Haring Nahas ng mga Amonita, humingi kayo sa akin ng haring mamumuno sa inyo, kahit na ang Panginoon na inyong Diyos ang siyang hari ninyo.
13Ngayon, narito na ang pinili ninyong hari, gaya ng hiningi ninyo. Hayan, binigyan na kayo ng Panginoon ng mamumuno sa inyo.
14Kung kayo at ang hari ninyo ay mamumuhay nang may takot sa Panginoon, susunod sa mga utos niya, at maglilingkod sa kanya, walang masamang mangyayari sa inyo.
15Ngunit kung hindi kayo susunod sa Panginoon at sa mga utos niya, parurusahan niya kayo gaya ng ginawa niya sa inyong mga ninuno.
16“Manatili kayo sa kinaroroonan ninyo at saksihan ang kamangha-manghang bagay na gagawin ng Panginoon sa inyong harapan.