14Kung kayo at ang hari ninyo ay mamumuhay nang may takot sa Panginoon, susunod sa mga utos niya, at maglilingkod sa kanya, walang masamang mangyayari sa inyo.
15Ngunit kung hindi kayo susunod sa Panginoon at sa mga utos niya, parurusahan niya kayo gaya ng ginawa niya sa inyong mga ninuno.
16“Manatili kayo sa kinaroroonan ninyo at saksihan ang kamangha-manghang bagay na gagawin ng Panginoon sa inyong harapan.
17Hindi baʼt panahon ngayon ng pag-aani ng trigo at hindi umuulan? Mananalangin ako sa Panginoon na magpakulog at magpaulan, at nang mapag-isip-isip ninyo kung gaano kasama ang ginawa ninyo sa paningin ng Panginoon nang humingi kayo ng hari.”
18Nanalangin nga si Samuel sa Panginoon, at nang araw ding iyon ay nagpakulog at nagpaulan ang Panginoon. Kaya ang lahat ng tao roon ay nagkaroon ng matinding takot sa Panginoon at kay Samuel.