1 Samuel 12

“Ngunit kinalimutan nila ang Panginoon na kanilang Diyos kaya hinayaan ng Panginoon na matalo sila ni Sisera na kumander ng mga sundalo ng Hazor, ng mga Filisteo at ng hari ng Moab.

1 Samuel 12:9 (UKJV) And when they forgotten about the LORD their God, he sold them into the hand of Sisera, captain of the host of Hazor, and into the hand of the Philistines, and into the hand of the king of Moab, and they fought against them.

7Ngayon tumayo kayo sa presensya ng Panginoon dahil ipapaalala ko sa inyo ang mga kabutihang ginawa ng Panginoon sa inyo at sa inyong mga ninuno.

8“Noong nasa Ehipto pa ang lahi ni Jacob, humingi sila ng tulong sa Panginoon. Ipinadala ng Panginoon sina Moises at Aaron na naglabas sa kanila sa Ehipto at nagdala sa kanila sa lupaing ito.

9“Ngunit kinalimutan nila ang Panginoon na kanilang Diyos kaya hinayaan ng Panginoon na matalo sila ni Sisera na kumander ng mga sundalo ng Hazor, ng mga Filisteo at ng hari ng Moab.

10Humingi na naman sila ng tulong sa Panginoon at sinabi, ‘Nagkasala kami, Panginoon. Tinalikuran namin kayo at sumamba sa mga imahen ni Baal at ni Astoret. Ngunit ngayon, iligtas nʼyo po kami sa kamay ng mga kalaban namin at sasambahin namin kayo.’

11Pagkatapos, isinugo ng Panginoon sina Gideon, Barak, Jefta at Samuel; at iniligtas namin kayo sa kamay ng mga kalaban ninyo na nakapalibot sa inyo at namuhay kayo nang ligtas sa anumang kapahamakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.