9“Ngunit kinalimutan nila ang Panginoon na kanilang Diyos kaya hinayaan ng Panginoon na matalo sila ni Sisera na kumander ng mga sundalo ng Hazor, ng mga Filisteo at ng hari ng Moab.
10Humingi na naman sila ng tulong sa Panginoon at sinabi, ‘Nagkasala kami, Panginoon. Tinalikuran namin kayo at sumamba sa mga imahen ni Baal at ni Astoret. Ngunit ngayon, iligtas nʼyo po kami sa kamay ng mga kalaban namin at sasambahin namin kayo.’
11Pagkatapos, isinugo ng Panginoon sina Gideon, Barak, Jefta at Samuel; at iniligtas namin kayo sa kamay ng mga kalaban ninyo na nakapalibot sa inyo at namuhay kayo nang ligtas sa anumang kapahamakan.
12“Ngunit nang salakayin kayo ni Haring Nahas ng mga Amonita, humingi kayo sa akin ng haring mamumuno sa inyo, kahit na ang Panginoon na inyong Diyos ang siyang hari ninyo.
13Ngayon, narito na ang pinili ninyong hari, gaya ng hiningi ninyo. Hayan, binigyan na kayo ng Panginoon ng mamumuno sa inyo.