1 Samuel 13

Nagkampo si Saul, ang anak niyang si Jonatan, at ang mga natitira pa niyang tauhan sa Gibea, na sakop ng Benjamin, habang ang mga Filisteo naman ay nagkakampo sa Micmas.

1 Samuel 13:16 (UKJV) And Saul, and Jonathan his son, and the people that were present with them, abode in Gibeah of Benjamin: but the Philistines encamped in Michmash.

14Ngunit hindi na ito mangyayari dahil nakakita na ang Panginoon ng taong susunod sa kagustuhan niya, at ginawa na siyang pinuno para sa kanyang mga mamamayan, dahil hindi ka sumunod sa utos ng Panginoon.”

15Pagkatapos, umalis si Samuel sa Gilgal at pumunta sa Gibea, sa lupain ng Benjamin. Binilang ni Saul ang mga natira niyang tauhan; mga animnaraan silang lahat.

16Nagkampo si Saul, ang anak niyang si Jonatan, at ang mga natitira pa niyang tauhan sa Gibea, na sakop ng Benjamin, habang ang mga Filisteo naman ay nagkakampo sa Micmas.

17Nagtatlong grupo ang mga Filisteo sa kanilang pagsalakay. Ang isang grupoʼy pumunta sa Ofra, sa lupain ng Sual.

18Ang isang grupoʼy sa Bet-horon, at ang isaʼy pumunta sa hangganan kung saan matatanaw ang Lambak ng Zeboim na papunta sa disyerto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.