1 Samuel 13

Ngunit hindi na ito mangyayari dahil nakakita na ang Panginoon ng taong susunod sa kagustuhan niya, at ginawa na siyang pinuno para sa kanyang mga mamamayan, dahil hindi ka sumunod sa utos ng Panginoon.”

1 Samuel 13:14 (UKJV) But now your kingdom shall not continue: the LORD has sought him a man after his own heart, and the LORD has commanded him to be captain over his people, because you have not kept that which the LORD commanded you.

12Inisip ko na baka salakayin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal at alam kong hindi ko pa hinihingi ang tulong sa Panginoon. Kaya napilitan akong mag-alay ng handog na sinusunog.”

13Sinabi ni Samuel sa kanya, “Kahangalan ang ginawa mo! Hindi mo sinunod ang utos na ibinigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos. Kung sumunod ka lang sana, ang sambahayan mo ang maghahari sa Israel habang panahon.

14Ngunit hindi na ito mangyayari dahil nakakita na ang Panginoon ng taong susunod sa kagustuhan niya, at ginawa na siyang pinuno para sa kanyang mga mamamayan, dahil hindi ka sumunod sa utos ng Panginoon.”

15Pagkatapos, umalis si Samuel sa Gilgal at pumunta sa Gibea, sa lupain ng Benjamin. Binilang ni Saul ang mga natira niyang tauhan; mga animnaraan silang lahat.

16Nagkampo si Saul, ang anak niyang si Jonatan, at ang mga natitira pa niyang tauhan sa Gibea, na sakop ng Benjamin, habang ang mga Filisteo naman ay nagkakampo sa Micmas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.