1 Samuel 13

Inisip ko na baka salakayin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal at alam kong hindi ko pa hinihingi ang tulong sa Panginoon. Kaya napilitan akong mag-alay ng handog na sinusunog.”

1 Samuel 13:12 (UKJV) Therefore said I, The Philistines will come down now upon me to Gilgal, and I have not made supplication unto the LORD: I forced myself therefore, and offered a burnt offering.

10Nang patapos na siya sa kanyang paghahandog, dumating si Samuel. Sinalubong niya ito upang batiin.

11Pero nagtanong si Samuel, “Ano ang ginawa mo?” Sumagot si Saul, “Nakita ko na unti-unting nag-aalisan ang mga kasama ko, at hindi ka dumating sa oras na sinabi mo, at nagtitipon na ang mga Filisteo sa Micmas.

12Inisip ko na baka salakayin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal at alam kong hindi ko pa hinihingi ang tulong sa Panginoon. Kaya napilitan akong mag-alay ng handog na sinusunog.”

13Sinabi ni Samuel sa kanya, “Kahangalan ang ginawa mo! Hindi mo sinunod ang utos na ibinigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos. Kung sumunod ka lang sana, ang sambahayan mo ang maghahari sa Israel habang panahon.

14Ngunit hindi na ito mangyayari dahil nakakita na ang Panginoon ng taong susunod sa kagustuhan niya, at ginawa na siyang pinuno para sa kanyang mga mamamayan, dahil hindi ka sumunod sa utos ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.