9sinabi niya, “Dalhin ninyo sa akin ang handog na sinusunog at ang handog pangkapayapaan.” At inialay ni Saul ang mga handog na sinusunog.
10Nang patapos na siya sa kanyang paghahandog, dumating si Samuel. Sinalubong niya ito upang batiin.
11Pero nagtanong si Samuel, “Ano ang ginawa mo?” Sumagot si Saul, “Nakita ko na unti-unting nag-aalisan ang mga kasama ko, at hindi ka dumating sa oras na sinabi mo, at nagtitipon na ang mga Filisteo sa Micmas.
12Inisip ko na baka salakayin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal at alam kong hindi ko pa hinihingi ang tulong sa Panginoon. Kaya napilitan akong mag-alay ng handog na sinusunog.”
13Sinabi ni Samuel sa kanya, “Kahangalan ang ginawa mo! Hindi mo sinunod ang utos na ibinigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos. Kung sumunod ka lang sana, ang sambahayan mo ang maghahari sa Israel habang panahon.