7Ang iba sa kanilaʼy tumawid ng Ilog Jordan papuntang Gad at Gilead. Naiwan si Saul sa Gilgal, at nanginginig sa takot ang mga kasama niya.
8Naghintay si Saul kay Samuel sa Gilgal ng pitong araw ayon sa sinabi ni Samuel sa kanya, pero hindi dumating si Samuel. Nang makita ni Saul na unti-unting nag-aalisan ang mga kasama niya,
9sinabi niya, “Dalhin ninyo sa akin ang handog na sinusunog at ang handog pangkapayapaan.” At inialay ni Saul ang mga handog na sinusunog.
10Nang patapos na siya sa kanyang paghahandog, dumating si Samuel. Sinalubong niya ito upang batiin.
11Pero nagtanong si Samuel, “Ano ang ginawa mo?” Sumagot si Saul, “Nakita ko na unti-unting nag-aalisan ang mga kasama ko, at hindi ka dumating sa oras na sinabi mo, at nagtitipon na ang mga Filisteo sa Micmas.