1 Samuel 14

Kaya gumapang si Jonatan paakyat, kasunod ang tagapagdala niya ng armas. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo at ganoon din ang ginawa ng tagapagdala ng kanyang armas sa mga lumusob mula sa kanilang likod.

1 Samuel 14:13 (UKJV) And Jonathan climbed up upon his hands and upon his feet, and his armour bearer after him: and they fell before Jonathan; and his armour bearer slew after him.

11Nang magpakita silang dalawa roon sa mga Filisteo, sumigaw ang mga Filisteo, “Tingnan ninyo ang mga Hebreo! Naglalabasan na sila mula sa mga lungga nila.”

12At sinigawan nila sina Jonatan at ang tagapagdala niya ng armas, “Lumapit kayo rito, nang maturuan namin kayo ng leksyon.” Sinabi ni Jonatan sa tagapagdala niya ng armas, “Halika, sumunod ka sa akin dahil tutulungan tayo ng Panginoon na talunin sila ng Israel.”

13Kaya gumapang si Jonatan paakyat, kasunod ang tagapagdala niya ng armas. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo at ganoon din ang ginawa ng tagapagdala ng kanyang armas sa mga lumusob mula sa kanilang likod.

14Sa unang pagsalakay na ito, napatay nila ang dalawampung Filisteo at nagkalat ang mga bangkay ng mga ito sa kalahating ektaryang lupa roon.

15Natakot nang matindi ang mga Filisteong nasa kampo, nasa bukid, at pati na ang mga sundalo nilang sasalakay. At bigla pang lumindol, kaya lalong tumindi ang takot nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.