1 Samuel 14

Sinabi ni Saul kay Ahias, “Dalhin dito ang Kahon ng Diyos.” (Nang panahong iyon, ang Kahon ng Kasunduan ay nasa mga Israelita.)

1 Samuel 14:18 (UKJV) And Saul said unto Ahiah, Bring here the ark of God. For the ark of God was at that time with the children of Israel.

16Doon sa Gibea, sa lupain ng Benjamin, nakita ng mga tagapagbantay ni Saul ang mga sundalong Filisteo na nagtatakbuhan papunta sa ibaʼt ibang direksyon.

17Sinabi ni Saul sa mga tauhan niya, “Tipunin ninyo ang mga sundalo at tingnan kung sino ang nawawala.” At nalaman nila na wala si Jonatan at ang tagapagdala niya ng armas.

18Sinabi ni Saul kay Ahias, “Dalhin dito ang Kahon ng Diyos.” (Nang panahong iyon, ang Kahon ng Kasunduan ay nasa mga Israelita.)

19Habang nakikipag-usap si Saul sa pari, lalo pang lumakas ang sigawan at kaguluhan sa kampo ng mga Filisteo kaya sinabi ni Saul kay Ahias, “Hayaan mo na. Itigil mo na ʼyan.”

20Agad na tinipon ni Saul ang mga tauhan niya at sumugod sa digmaan. Nakita nila ang mga Filisteo na nagkakagulo at sila-sila ang nagpapatayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.