15Natakot nang matindi ang mga Filisteong nasa kampo, nasa bukid, at pati na ang mga sundalo nilang sasalakay. At bigla pang lumindol, kaya lalong tumindi ang takot nila.
16Doon sa Gibea, sa lupain ng Benjamin, nakita ng mga tagapagbantay ni Saul ang mga sundalong Filisteo na nagtatakbuhan papunta sa ibaʼt ibang direksyon.
17Sinabi ni Saul sa mga tauhan niya, “Tipunin ninyo ang mga sundalo at tingnan kung sino ang nawawala.” At nalaman nila na wala si Jonatan at ang tagapagdala niya ng armas.
18Sinabi ni Saul kay Ahias, “Dalhin dito ang Kahon ng Diyos.” (Nang panahong iyon, ang Kahon ng Kasunduan ay nasa mga Israelita.)
19Habang nakikipag-usap si Saul sa pari, lalo pang lumakas ang sigawan at kaguluhan sa kampo ng mga Filisteo kaya sinabi ni Saul kay Ahias, “Hayaan mo na. Itigil mo na ʼyan.”