1 Samuel 14

Sinabi ni Saul, “Sasalakayin natin ngayong gabi ang mga Filisteo at lilipulin natin sila hanggang sa umaga, sasamsamin natin ang mga ari-arian nila at papatayin silang lahat. Wala tayong ititirang buháy.” Sumagot ang mga tao, “Gawin nʼyo po kung ano sa tingin nʼyo ang mabuti.” Ngunit sinabi ng pari, “Tanungin muna natin ang Diyos tungkol sa bagay na ito.”

1 Samuel 14:36 (UKJV) And Saul said, Let us go down after the Philistines by night, and spoil them until the morning light, and let us not leave a man of them. And they said, Do whatsoever seems good unto you. Then said the priest, Let us draw near here unto God.

34At puntahan nʼyo ang mga tauhan ko at sabihan silang dalhin dito ang mga baka at tupa. Dito nila katayin at kainin ang mga ito. Sabihin nʼyo rin sa kanila na huwag silang magkasala sa Panginoon dahil sa pagkain ng karneng may dugo pa.” Kaya nang gabing iyon, dinala ng mga tauhan ni Saul ang kanilang mga baka at tupa sa kanya at doon kinatay.

35Gumawa naman si Saul ng altar para sa Panginoon. Iyon ang unang altar na ginawa niya.

36Sinabi ni Saul, “Sasalakayin natin ngayong gabi ang mga Filisteo at lilipulin natin sila hanggang sa umaga, sasamsamin natin ang mga ari-arian nila at papatayin silang lahat. Wala tayong ititirang buháy.” Sumagot ang mga tao, “Gawin nʼyo po kung ano sa tingin nʼyo ang mabuti.” Ngunit sinabi ng pari, “Tanungin muna natin ang Diyos tungkol sa bagay na ito.”

37Kaya nagtanong si Saul sa Diyos, “Sasalakayin po ba namin ang mga Filisteo? Ipapatalo nʼyo ba sila sa amin?” Ngunit hindi sumagot ang Diyos nang araw na iyon.

38Kaya sinabi ni Saul sa mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel, “Magtipon kayong lahat dito. Kailangang malaman natin kung ano ang kasalanang nagawa natin sa araw na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.