1 Samuel 15

Kaya tinipon ni Saul ang mga sundalo sa Telaim. Nang bilangin niya ang mga ito, 200,000 sundalo lahat at bukod pa rito ang sampung libong sundalo mula sa Juda.

1 Samuel 15:4 (UKJV) And Saul gathered the people together, and numbered them in Telaim, two hundred thousand footmen, and ten thousand men of Judah.

2Ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ‘Parurusahan ko ang mga Amalekita dahil sa pagsalakay nila sa mga Israelita nang inilabas ko sila sa Ehipto.

3Salakayin ninyo ang mga Amalekita. Lipulin ninyo nang lubusan ang lahat ng naroroon. Patayin ninyo silang lahat, mga lalaki, babae, bata at mga sanggol, pati na rin ang kanilang mga baka, tupa, kamelyo at mga asno.’ ”

4Kaya tinipon ni Saul ang mga sundalo sa Telaim. Nang bilangin niya ang mga ito, 200,000 sundalo lahat at bukod pa rito ang sampung libong sundalo mula sa Juda.

5Pinangunahan sila ni Saul papunta sa lungsod ng Amalek at naghintay sa natuyong ilog para sumalakay.

6Nagpasabi siya sa mga Cineo, “Lumayo kayo sa mga Amalekita para hindi kayo mamatay kasama nila. Naging mabuti kayo sa lahat ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto.” Kaya lumayo ang mga Cineo sa mga Amalekita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.