1 Samuel 15

Nagpasabi siya sa mga Cineo, “Lumayo kayo sa mga Amalekita para hindi kayo mamatay kasama nila. Naging mabuti kayo sa lahat ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto.” Kaya lumayo ang mga Cineo sa mga Amalekita.

1 Samuel 15:6 (UKJV) And Saul said unto the Kenites, Go, depart, get you down from among the Amalekites, lest I destroy you with them: for all of you showed kindness to all the children of Israel, when they came up out of Egypt. So the Kenites departed from among the Amalekites.

4Kaya tinipon ni Saul ang mga sundalo sa Telaim. Nang bilangin niya ang mga ito, 200,000 sundalo lahat at bukod pa rito ang sampung libong sundalo mula sa Juda.

5Pinangunahan sila ni Saul papunta sa lungsod ng Amalek at naghintay sa natuyong ilog para sumalakay.

6Nagpasabi siya sa mga Cineo, “Lumayo kayo sa mga Amalekita para hindi kayo mamatay kasama nila. Naging mabuti kayo sa lahat ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto.” Kaya lumayo ang mga Cineo sa mga Amalekita.

7Sinalakay nina Saul ang mga Amalekita mula sa Havila hanggang sa Shur, sa gawing silangan ng Ehipto.

8Binihag niya si Agag na hari ng mga Amalekita, at nilipol nila ang lahat ng nasasakupan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.