5Pinangunahan sila ni Saul papunta sa lungsod ng Amalek at naghintay sa natuyong ilog para sumalakay.
6Nagpasabi siya sa mga Cineo, “Lumayo kayo sa mga Amalekita para hindi kayo mamatay kasama nila. Naging mabuti kayo sa lahat ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto.” Kaya lumayo ang mga Cineo sa mga Amalekita.
7Sinalakay nina Saul ang mga Amalekita mula sa Havila hanggang sa Shur, sa gawing silangan ng Ehipto.
8Binihag niya si Agag na hari ng mga Amalekita, at nilipol nila ang lahat ng nasasakupan nito.
9Hindi ipinapatay ni Saul ang hari gayundin ang mga pinakamalusog na tupa at baka pati ang mga anak ng mga nito. Itinira nila ang lahat ng may pakinabang, ngunit ang lahat ng walang halaga ay nilipol nila nang lubusan.