7Sinalakay nina Saul ang mga Amalekita mula sa Havila hanggang sa Shur, sa gawing silangan ng Ehipto.
8Binihag niya si Agag na hari ng mga Amalekita, at nilipol nila ang lahat ng nasasakupan nito.
9Hindi ipinapatay ni Saul ang hari gayundin ang mga pinakamalusog na tupa at baka pati ang mga anak ng mga nito. Itinira nila ang lahat ng may pakinabang, ngunit ang lahat ng walang halaga ay nilipol nila nang lubusan.
10Sinabi ng Panginoon kay Samuel,
11“Nalulungkot ako na ginawa kong hari si Saul dahil tinalikuran niya ako at hindi sinunod ang utos ko.” Nang marinig ito ni Samuel, labis siyang nabagabag, at nanalangin siya sa Panginoon nang buong magdamag.