9Hindi ipinapatay ni Saul ang hari gayundin ang mga pinakamalusog na tupa at baka pati ang mga anak ng mga nito. Itinira nila ang lahat ng may pakinabang, ngunit ang lahat ng walang halaga ay nilipol nila nang lubusan.
10Sinabi ng Panginoon kay Samuel,
11“Nalulungkot ako na ginawa kong hari si Saul dahil tinalikuran niya ako at hindi sinunod ang utos ko.” Nang marinig ito ni Samuel, labis siyang nabagabag, at nanalangin siya sa Panginoon nang buong magdamag.
12Kinabukasan, maagang bumangon si Samuel at lumakad para makipagkita kay Saul. Ngunit may nagsabi sa kanya, “Pumunta si Saul sa Carmel para magpatayo roon ng monumento para sa kanyang karangalan, at pagkatapos ay pumunta siya sa Gilgal.”
13Pinuntahan ni Samuel si Saul at nang magkita sila, binati siya ni Saul, “Pagpalain ka nawa ng Panginoon! Sinunod ko ang mga utos ng Panginoon.”