12Ngayon, si David ay anak ni Jesse na mula sa lahi ni Efraim. Si Jesse ay may walong anak na lalaki. Siyaʼy taga-Bethlehem, at mula sa angkan ni Efrata sa lupain ng Juda. Matanda na si Jesse nang mga panahong iyon na naghahari si Saul.
13Ang tatlong nakatatandang anak ni Jesse ay sumáma kay Saul sa digmaan; ang panganay na si Eliab, ang pangalawang si Abinadab at ang pangatlong si Shama.
14Si David ang bunso sa magkakapatid. Habang kasama ni Saul sa digmaan ang tatlo,
15si David ay nagpapabalik-balik sa paglilingkod kay Saul at sa pagpapastol ng mga tupa ng kanyang ama sa Bethlehem.
16Sa loob ng apatnapung araw, paulit-ulit na hinahamon ni Goliat ang mga Israelita, araw at gabi.