1 Samuel 17

Ang tatlong nakatatandang anak ni Jesse ay sumáma kay Saul sa digmaan; ang panganay na si Eliab, ang pangalawang si Abinadab at ang pangatlong si Shama.

1 Samuel 17:13 (UKJV) And the three eldest sons of Jesse went and followed Saul to the battle: and the names of his three sons that went to the battle were Eliab the firstborn, and next unto him Abinadab, and the third Shammah.

11Nang marinig ito ni Saul at ng mga Israelita, natakot sila nang husto.

12Ngayon, si David ay anak ni Jesse na mula sa lahi ni Efraim. Si Jesse ay may walong anak na lalaki. Siyaʼy taga-Bethlehem, at mula sa angkan ni Efrata sa lupain ng Juda. Matanda na si Jesse nang mga panahong iyon na naghahari si Saul.

13Ang tatlong nakatatandang anak ni Jesse ay sumáma kay Saul sa digmaan; ang panganay na si Eliab, ang pangalawang si Abinadab at ang pangatlong si Shama.

14Si David ang bunso sa magkakapatid. Habang kasama ni Saul sa digmaan ang tatlo,

15si David ay nagpapabalik-balik sa paglilingkod kay Saul at sa pagpapastol ng mga tupa ng kanyang ama sa Bethlehem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.