9Kung mapapatay niya ako, magpapaalipin kami sa inyo; pero kung mapapatay ko siya, magpapaalipin kayo at maglilingkod sa amin.
10Ngayon, hinahamon ko kayo! Papuntahin ninyo rito ang makikipaglaban sa akin.”
11Nang marinig ito ni Saul at ng mga Israelita, natakot sila nang husto.
12Ngayon, si David ay anak ni Jesse na mula sa lahi ni Efraim. Si Jesse ay may walong anak na lalaki. Siyaʼy taga-Bethlehem, at mula sa angkan ni Efrata sa lupain ng Juda. Matanda na si Jesse nang mga panahong iyon na naghahari si Saul.
13Ang tatlong nakatatandang anak ni Jesse ay sumáma kay Saul sa digmaan; ang panganay na si Eliab, ang pangalawang si Abinadab at ang pangatlong si Shama.