8Tumayo si Goliat sa harapan at hinamon ang mga Israelita, “Bakit kayo pumarito at pumuwesto pa para makipaglaban? Hindi baʼt ako ay Filisteo at kayoʼy mga utusan ni Saul? Sige, pumili kayo ng isang taong ilalaban nʼyo sa akin.
9Kung mapapatay niya ako, magpapaalipin kami sa inyo; pero kung mapapatay ko siya, magpapaalipin kayo at maglilingkod sa amin.
10Ngayon, hinahamon ko kayo! Papuntahin ninyo rito ang makikipaglaban sa akin.”
11Nang marinig ito ni Saul at ng mga Israelita, natakot sila nang husto.
12Ngayon, si David ay anak ni Jesse na mula sa lahi ni Efraim. Si Jesse ay may walong anak na lalaki. Siyaʼy taga-Bethlehem, at mula sa angkan ni Efrata sa lupain ng Juda. Matanda na si Jesse nang mga panahong iyon na naghahari si Saul.