1 Samuel 17

Tumayo si Goliat sa harapan at hinamon ang mga Israelita, “Bakit kayo pumarito at pumuwesto pa para makipaglaban? Hindi baʼt ako ay Filisteo at kayoʼy mga utusan ni Saul? Sige, pumili kayo ng isang taong ilalaban nʼyo sa akin.

1 Samuel 17:8 (UKJV) And he stood and cried unto the armies of Israel, and said unto them, Why are all of you come out to set your battle in array? am not I a Philistine, and all of you servants to Saul? choose you a man for you, and let him come down to me.

6Tanso rin ang nakabalot sa kanyang binti at hita, at may tansong sibat na nakasukbit sa kanyang balikat.

7Ang hawakan naman ng kanyang sibat ay mabigat at makapal; ang dulo nitoʼy tumitimbang ng pitong kilo. Nasa unahan naman niya ang tagapagdala ng kanyang kalasag.

8Tumayo si Goliat sa harapan at hinamon ang mga Israelita, “Bakit kayo pumarito at pumuwesto pa para makipaglaban? Hindi baʼt ako ay Filisteo at kayoʼy mga utusan ni Saul? Sige, pumili kayo ng isang taong ilalaban nʼyo sa akin.

9Kung mapapatay niya ako, magpapaalipin kami sa inyo; pero kung mapapatay ko siya, magpapaalipin kayo at maglilingkod sa amin.

10Ngayon, hinahamon ko kayo! Papuntahin ninyo rito ang makikipaglaban sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.