1 Samuel 17

Tinipon din ni Saul ang mga Israelita, at nagkampo sila sa may Lambak ng Ela at pumuwesto sila para makipaglaban sa mga Filisteo.

1 Samuel 17:2 (UKJV) And Saul and the men of Israel were gathered together, and pitched by the valley of Elah, and set the battle in array against the Philistines.

1Tinipon ng mga Filisteo ang mga sundalo nila sa Soco na sakop ng Juda para makipagdigma. Nagkampo sila sa Efes-damim, sa gitna ng Soco at Azeka.

2Tinipon din ni Saul ang mga Israelita, at nagkampo sila sa may Lambak ng Ela at pumuwesto sila para makipaglaban sa mga Filisteo.

3Ang mga Filisteoʼy nasa isang burol at ang mga Israelita namaʼy nasa kabilang burol, nasa gitna nila ang lambak.

4Ngayon, lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo ang isang mahusay at matapang na mandirigmang taga-Gat na nagngangalang Goliat. May siyam na talampakan ang kanyang taas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.