3Ang mga Filisteoʼy nasa isang burol at ang mga Israelita namaʼy nasa kabilang burol, nasa gitna nila ang lambak.
4Ngayon, lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo ang isang mahusay at matapang na mandirigmang taga-Gat na nagngangalang Goliat. May siyam na talampakan ang kanyang taas.
5Tanso ang kanyang helmet gayundin ang kanyang panangga sa dibdib na tumitimbang ng limampuʼt walong kilo.
6Tanso rin ang nakabalot sa kanyang binti at hita, at may tansong sibat na nakasukbit sa kanyang balikat.
7Ang hawakan naman ng kanyang sibat ay mabigat at makapal; ang dulo nitoʼy tumitimbang ng pitong kilo. Nasa unahan naman niya ang tagapagdala ng kanyang kalasag.