12Natatakot si Saul kay David dahil sinasamahan ito ng Panginoon samantalang siya namaʼy pinabayaan na.
13Kaya para malayo sa kanya si David, ginawa niya itong kumander ng isang libong sundalo, at pinamunuan ito ni David nang buong lakas sa digmaan.
14Nagtagumpay si David sa lahat ng ginagawa niya dahil kasama niya ang Panginoon.
15Nang malaman ni Saul kung gaano katagumpay si David, lalo pa siyang natakot.