1 Samuel 18

Noong sinabi nila ito kay David, sumagot siya, “Hindi ko makakayang magbayad sa hari para mapangasawa ko ang kanyang anak. Mahirap lang ako at galing sa isang hindi kilalang pamilya.”

1 Samuel 18:23 (UKJV) And Saul's servants spoke those words in the ears of David. And David said, Seems it to you a light thing to be a king's son in law, seeing that I am a poor man, and lightly esteemed?

21Sinabi ni Saul sa kanyang sarili, “Ipakakasal ko si Mical kay David, at gagawin ko siyang pain para mapatay ng mga Filisteo si David.” Kaya sinabi niya kay David, “May pagkakataon ka pa para maging manugang ko.”

22Kinasabwat din ni Saul ang kanyang mga lingkod na makipag-usap nang lihim kay David at sabihin sa kanya, “Talagang gusto ka ng hari pati na rin ng kanyang mga lingkod. Kaya pumayag ka nang maging manugang niya.”

23Noong sinabi nila ito kay David, sumagot siya, “Hindi ko makakayang magbayad sa hari para mapangasawa ko ang kanyang anak. Mahirap lang ako at galing sa isang hindi kilalang pamilya.”

24Sinabi naman nila kay Saul ang sagot ni David.

25At sumagot si Saul, “Sabihin ninyo kay David, walang ibang dote na hinihingi ang hari kundi isang daang balat na pinagtulian ng mga Filisteo bilang paghihiganti sa kanyang mga kalaban.” Ngunit ang plano ni Saul ay mahulog si David sa kamay ng mga Filisteo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.