23Noong sinabi nila ito kay David, sumagot siya, “Hindi ko makakayang magbayad sa hari para mapangasawa ko ang kanyang anak. Mahirap lang ako at galing sa isang hindi kilalang pamilya.”
24Sinabi naman nila kay Saul ang sagot ni David.
25At sumagot si Saul, “Sabihin ninyo kay David, walang ibang dote na hinihingi ang hari kundi isang daang balat na pinagtulian ng mga Filisteo bilang paghihiganti sa kanyang mga kalaban.” Ngunit ang plano ni Saul ay mahulog si David sa kamay ng mga Filisteo.
26Nang sabihin ito ng mga lingkod ni Saul kay David, natuwa siya dahil gusto niyang maging manugang ng hari. Kaya bago pa sumapit ang itinakdang araw,
27sinalakay ni David at ng mga tauhan niya ang mga Filisteo at napatay nila ang 200 sa mga ito. Pagkatapos, kinuha nila ang mga balat ng pinagtulian ng mga Filisteo at dinala ang lahat ng ito sa hari. Kaya ibinigay ni Saul si Mical kay David para maging asawa niya.