1 Samuel 18

Nang sabihin ito ng mga lingkod ni Saul kay David, natuwa siya dahil gusto niyang maging manugang ng hari. Kaya bago pa sumapit ang itinakdang araw,

1 Samuel 18:26 (UKJV) And when his servants told David these words, it pleased David well to be the king's son in law: and the days were not expired.

24Sinabi naman nila kay Saul ang sagot ni David.

25At sumagot si Saul, “Sabihin ninyo kay David, walang ibang dote na hinihingi ang hari kundi isang daang balat na pinagtulian ng mga Filisteo bilang paghihiganti sa kanyang mga kalaban.” Ngunit ang plano ni Saul ay mahulog si David sa kamay ng mga Filisteo.

26Nang sabihin ito ng mga lingkod ni Saul kay David, natuwa siya dahil gusto niyang maging manugang ng hari. Kaya bago pa sumapit ang itinakdang araw,

27sinalakay ni David at ng mga tauhan niya ang mga Filisteo at napatay nila ang 200 sa mga ito. Pagkatapos, kinuha nila ang mga balat ng pinagtulian ng mga Filisteo at dinala ang lahat ng ito sa hari. Kaya ibinigay ni Saul si Mical kay David para maging asawa niya.

28Nang malaman ni Saul na pinapatnubayan ng Panginoon si David at nakita niya kung gaano kamahal ni Mical si David,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.