1 Samuel 18

Nagalit si Saul nang mapakinggan niya ang awit nila. Naisip niya, “Sinasabi nilang tig-sasampung libo ang napatay ni David, pero ang sa akin ay libo-libo lang. Kulang na lang ay siya ang kilalanin nilang hari.”

1 Samuel 18:8 (UKJV) And Saul was very angry, and the saying displeased him; and he said, They have ascribed unto David ten thousands, and to me they have ascribed but thousands: and what can he have more but the kingdom?

6Nang pauwi na ang mga Israelita matapos mapatay ni David si Goliat, sinalubong si Saul ng mga babaeng mula sa lahat ng bayan ng Israel. Sumasayaw sila at umaawit na may tamburin at alpa.

7Ganito ang kanilang awit: “Libo-libo ang napatay ni Saul, kay David naman ay tig-sasampung libo.”

8Nagalit si Saul nang mapakinggan niya ang awit nila. Naisip niya, “Sinasabi nilang tig-sasampung libo ang napatay ni David, pero ang sa akin ay libo-libo lang. Kulang na lang ay siya ang kilalanin nilang hari.”

9Mula noon, binantayan na niyang mabuti si David dahil nagseselos siya rito.

10Kinabukasan, pinasukan si Saul ng masamang espiritu na ipinadala ng Diyos, at kung ano-ano ang sinasabi niya na parang baliw sa loob ng kanyang bahay. Tumutugtog si David ng alpa gaya ng ginagawa niya bawat araw. May hawak noon na sibat si Saul, at dalawang beses niyang sinibat si David. Ang balak niyaʼy itusok si David sa dingding, pero nakailag si David at nakatakas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.