1 Samuel 20

At pinasumpa ulit ni Jonatan si David ng pagmamahal sa kanya dahil mahal na mahal niya si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.

1 Samuel 20:17 (UKJV) And Jonathan caused David to swear again, because he loved him: for he loved him as he loved his own soul.

15ipagpatuloy mo pa rin ang pagmamahal sa pamilya ko, kahit pa napatay na ng Panginoon ang lahat ng kaaway mo.”

16Kaya gumawa si Jonatan ng kasunduan sa pamilya ni David, at sinabi niya, “Ibigay ka sana ng Panginoon sa iyong mga kaaway, kapag hindi ka tumupad sa kasunduan natin.”

17At pinasumpa ulit ni Jonatan si David ng pagmamahal sa kanya dahil mahal na mahal niya si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.

18Pagkatapos, sinabi niya kay David, “Bukas ay Pista ng Bagong Buwan at malalaman nila na wala ka roon dahil bakante ang upuan mo.

19Sa makalawa, bago gumabi, pumunta ka sa dati mong pinagtaguan sa bukid. Maghintay ka roon sa may bato ng Ezel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.