14At ipakita mo sana ang pagmamahal mo sa akin habang akoʼy nabubuhay pa gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa atin. Ngunit kung mamatay ako,
15ipagpatuloy mo pa rin ang pagmamahal sa pamilya ko, kahit pa napatay na ng Panginoon ang lahat ng kaaway mo.”
16Kaya gumawa si Jonatan ng kasunduan sa pamilya ni David, at sinabi niya, “Ibigay ka sana ng Panginoon sa iyong mga kaaway, kapag hindi ka tumupad sa kasunduan natin.”
17At pinasumpa ulit ni Jonatan si David ng pagmamahal sa kanya dahil mahal na mahal niya si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.
18Pagkatapos, sinabi niya kay David, “Bukas ay Pista ng Bagong Buwan at malalaman nila na wala ka roon dahil bakante ang upuan mo.