1 Samuel 20

Ngunit kung sasabihin ko sa bata na nasa banda pa roon ang mga palaso, nangangahulugan ito na kailangan mong tumakas dahil pinapatakas ka ng Panginoon.

1 Samuel 20:22 (UKJV) But if I say thus unto the young man, Behold, the arrows are beyond you; go your way: for the LORD has sent you away.

20Darating ako at papana nang tatlong beses sa gilid ng bato na parang may pinapana ako.

21Pagkatapos, uutusan ko ang isang bata na hanapin ang palaso. Kung sasabihin ko sa kanya na nasa gilid niya ang mga palaso, lumabas ka. Tinitiyak ko sa iyo, sa harap ng presensya ng Panginoon na buháy, na wala kang dapat katakutang panganib.

22Ngunit kung sasabihin ko sa bata na nasa banda pa roon ang mga palaso, nangangahulugan ito na kailangan mong tumakas dahil pinapatakas ka ng Panginoon.

23Tungkol sa sumpaan natin, alalahanin mo na ang Panginoon ang ating saksi magpakailanman.”

24Kaya nagtago si David sa bukid, at nang dumating ang Pista ng Bagong Buwan, umupo si Haring Saul para kumain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.