1 Samuel 21

Kaya nagkunwari siyang baliw, at pinagkakalmot niya ang mga dingding ng lungsod at pinatulo ang laway niya sa kanyang balbas.

1 Samuel 21:13 (UKJV) And he changed his behaviour before them, and feigned himself mad in their hands, and scratch on the doors of the gate, and let his spittle fall down upon his beard.

11Sinabi ng mga opisyal ng hari sa kanya, “Hindi baʼt ito si David ang naghahari sa lugar nila? Hindi baʼt siya ang pinararangalan ng mga kababaihan habang sumasayaw sila at umaawit ng, ‘Libo-libo ang napatay ni Saul, tig-sasampung libo naman ang kay David?’ ”

12Inisip ni David ang sinabi nila, at natakot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Haring Aquis ng Gat.

13Kaya nagkunwari siyang baliw, at pinagkakalmot niya ang mga dingding ng lungsod at pinatulo ang laway niya sa kanyang balbas.

14Sinabi ni Aquis sa kanyang mga opisyal, “Tingnan nʼyo! Baliw ang taong ito! Bakit ninyo siya dinala sa akin?

15Marami na ang baliw na gaya niya rito. Bakit nʼyo pa dinala sa pamamahay ko ang taong iyan para umasal nang ganyan sa aking harapan?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.