1 Samuel 21

Inisip ni David ang sinabi nila, at natakot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Haring Aquis ng Gat.

1 Samuel 21:12 (UKJV) And David laid up these words in his heart, and was sore afraid of Achish the king of Gath.

10Nang araw na iyon, tumakas si David kay Saul, at pumunta kay Haring Aquis ng Gat.

11Sinabi ng mga opisyal ng hari sa kanya, “Hindi baʼt ito si David ang naghahari sa lugar nila? Hindi baʼt siya ang pinararangalan ng mga kababaihan habang sumasayaw sila at umaawit ng, ‘Libo-libo ang napatay ni Saul, tig-sasampung libo naman ang kay David?’ ”

12Inisip ni David ang sinabi nila, at natakot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Haring Aquis ng Gat.

13Kaya nagkunwari siyang baliw, at pinagkakalmot niya ang mga dingding ng lungsod at pinatulo ang laway niya sa kanyang balbas.

14Sinabi ni Aquis sa kanyang mga opisyal, “Tingnan nʼyo! Baliw ang taong ito! Bakit ninyo siya dinala sa akin?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.